Ang pagtatanghal ng sabayang pagbigkas ng College of Education |
Sa larangan ng Madulang Sabayang Pagbigkas ng akdang Ang Kamay ni Amado V. Hernandez, ang napakagandang pagtatanghal ng mga mag-aaral ng College of Education ang nagbigay daan sa pagpanalo nito ng Unang Gatimpala. Pumangalawa naman ang CITE.
Sa larangan naman ng Makabagong Indak sa Makalumang Tugtugin, ang masaya at kamangha-manghang sayaw ng College of Hotel and Restaurant Management and Tourism ang ginawaran ng Unang Gatimpala. Pumangalawa ang IT.
Sa larangan ng Sayaw ng Lahi sa tugtug ng Atin Ko Pung Singsing, ang magara at malapiestang produksiyon ng College of Education ang nag-uwi ng Unang Gatimpala. Pumangalawa ang tampok ng HRMT. Sa Pag-awit ng Isahan, si Ivy S. Maluya ng HRMT ang itinanghal na kampeonato. Siya ay umawit ng Lipad ng Pangarap ni Dessa.
Sa labanan ng angking kisig at talino, si G. Carlo A. Simbajon ng College of Information Technology Education ang nanalo bilang Lakan ng Wika 2010. Habang Sa labanan ng angking ganda at talino, si Bb. Misty Ann C. Nabong ang nakoronahan bilang Lakambini ng Wika 2010.
Sa mga guro at kawani naman, Si G. Rolando M. Baluyut, guro ng NSTP, ang nanalo ng Maka-Pilipinong Kasoutan. Si Bb. Edwina M. Dungca, guro ng English, ang nanalo sa Maka-Pilipinang Kasoutan.
No comments:
Post a Comment